Sunday, March 17, 2019

Buod ng bawat kabanata ng
Noli me Tangere

Kabanata 1:  Isang Salusalo
Dito isinasaad ang paghahanda ni kapitan Tiago ng isang salusalo para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra galing sa Europa.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Dito ipinakilala ni Crisostomo Ibarra ang kanyang sarili sa mga bisita at sa kanyang pagpapakilala, siya ay anak ng nasirang Don Rafael Ibarra na nagmula sa Europa upang mag-aral.

Kabanata 3: Ang Hapunan
Mababasa dito ang pag-aagawan ni Padre Damaso at Padre Salvi sa kabisera at ang pagkainis ng Padre Damaso dahil ang napunta sa kanya ay pakpak at leeg ng manok habang kay Crisostomo ay puro laman.

Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
  Mababasa dito ang pag-uusap ni Crisostomo at Tenyente Guevarra patungkol sa totoong nangyari sa kanyang ama.

Kabanata 5: Isang Bituin sa Gabing Malalim
Nakaupo sa isang silya at nakamasid sa kalagitnaan si Crisostomo Ibarra habang sinasariwa ang nga alaala niya sa kanyang ama at sinabi rin dito na inaalala rin niya si Maria Clara.

Kabanata 6: Si Kapitan Tiago
Inilalarawan dito si Kapitan Tiago at ikinukwento ang kanyang buhay na siya ang nagpa alila sa isang prayle upang turuan siya dahil hindi siya pinayagan ng kanyang ama na may ari ng isang paggawaan ng asukal.

Kabanata 7: Suyuan sa Asotea
Ang liham na ibinigay ni Crisostomo kay Maria Clara at ang dahon ng sambong na kanilang pinaghahawakan sa isa’t-isa.


Kabanata 8: Mga Alaala
Dito ay namasyal si Ibarra at naisip na wala pa ring pinagbago kahit siya ay nawala sa mahabang panahon.

Kabanata 9: Mga bagay- bagay ukol sa Bayan
Dito mababasa ang pag-uusap ng matandang pari at ni Padre Sibyla patungkol kay Ibarra at Maria Clara at isinasaad rin niya ang pag-iinitan ni Padre Damaso at ni Crisostomo Ibarra.

Kabanata 10: Ang Bayan ng San Diego
Ang kasaysayan ng San Diego ang mababasa dito, kung paano nagsimula ang mga alamat.

Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
Masasabi na si Don Rafael Ibarra ang pinaka mayaman sa buong San Diego ngunit hindi siya ang makapangyarihan lalong hindi rin si Kapitan Tiago sapagkat sa maayos na pakikitungo ng mga tao sa kanya ay pabulong siyang sinasabihan na sacristan, ang mga makapangyarihan ay sina Alperes at Padre Salvi.
 Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Mababasa dito ang dalawang sepulturero na naghuhukay ng bagong libingan.

Kabanata 13: Ang Unang banta na Sigwa
Dumating si Crisostomo Ibarra kasama ang kanyang alilang matanda sa libingan ng kanyang ama at itnanong niya kung saan ito inilibing ngunit ang sagot ng matanda ay inilagyan niya lang ng palatandaan dahil ang sabi ni Kapitan Tiago ay magpapagawa siya ng nitso, hinanap nila ang libingan ngunit hindi ito inilibing sa libingan ng mga tsino sa halip ay itinapon sa lawa.

Kabanata 14: Baliw o Pilosopo
Sa araling ito ay makikilala ang isang taong maituturing na mahiwaga sa paningin ng iba sapagkat siya ay nagtataglay ng pag-iisip at pananaw sa buhay na kakaiba sa nakararami, siya ay walang iba kundi si Don Anastacio o mas kilala sa pangalang Pilosopong Tasyo.

Kabanata 15: Ang mga Sakrista
Habang nagsasalimbayan at dumadagundong ang mga kulog ay naroon sa kampanaryo ng kumbento ang dalawang magkapatid na sakristang humihila ng kampana rito, sila ay sina Basilio at Crispin na pinagbintangang mga magnanakaw na naging sanhi upang sila’y di pahintulutang makauwi sa kanilang tahanan.

Kabanata 16: Si Sisa
Sa araling ito, mararamdaman mo ang pait at paghihirap na dinaras ni Sisa dahil sa kanyang pangungulila sa dalawang anak na sina Basilio at Crispin na nawalay sa kanya.

Kabanata 17: Si Basilio
Labis na natakot at nangamba si Sisa nang Makita niyang duguan at nag-iisang umuwi ang kanyang anak na si Basilio na tumakas mula sa kumbento at ang kanyang bunsong anak na si Crispin ay naiwan sa kamay ng sakristran mayor at pilit na pinaaamin at pinananagot sa ibinibintang na salang pagnanakaw.

Kabanata 1
8: Nagdurusang Kaluluwa
Dahil sa labis na pag-aalala sa bunsang anak, maagang gumising at naghanda si Sisa patungo sa kumbento bitbit ang mga sariwang gulay para sa kura, buo ang pag-asang makikitang nasa maayos na kalagayan ang anak, ngunit gayon na lamang ang pagkabagabag at pagdurusang naramdaman nang malaman niyang wala roon ang minamahal na anak.

Kabanata 19: Karahasan ng Isang Guro
Sa araling ito, mauunawaan mo ang dahilan kung bakit nabuo sa puso ni Crisostomo Ibarra ang magpatayo ng paaralan para sa kabataan ng San Diego.

Kabanata 20: Pulong ng Bayan
Dahil sa nalalapit na ang pista ng San Diego ay isang pulong pambayan ang ginanap sa bulwagan ng tribunal.



Kabanata 21: Kuwento ng isang Ina
Takot na takot si Sisa nang makita niya ang mga guardia civil sa kanilang munting dampa at pinilit na ipinalalabas sa kanya ang kanyang dalawang anak na pinagbibintangang tumakas at nagnakaw ng pera sa kumbento at sinabi niyang hindi niya pa rin nakikita ang kanyang mga anak ngunit hindi siya pinaniwalaann ng mga guardia civil.

Kabanata 22: Dilim at Liwanag
Pinag-usapan ang pagdating nina Maria Clara at Tiya Isabel, tuwang-tuwa ang marami sa pagdating ng dalaga lalong lumala ang bulwagan nang makita nila si Crisostomo Ibarra na dumalaw sa tahanan ng dalaga.

Kabanata 23: Pangingisda
Ang bawat isa’y masaya habang namamangka subalit biglang nagkagulo ang lahat nang may nakita silang buwayang nakulong sa baklad at isang binatang makisig na tinatawag na piloto na agad na tumalon sa dagat at dahil sa kanyang liksi at lakas ay nahuli niya ang buwaya ngunit ito ay biglang bumaluktot at inihampas ang buntot sabay talon sa dagat na kala-kaladkad ang piloto kaya mabilis na tumalon si Ibarra sa tubig upang iligtas ang piloto.

Kabanata 24: Sa Gubat
Idinaos sa gubat ang pagtitipong inihanda ni Ibarra sa gitna ng pagsalo-salo nagkaroon ng iringan dahil sa pagdating ni Sisa at dumating rin doon ang mga guardia civil upang dakpin ang isang tulisan na nakasama nila Ibarra sa pamamangka at ito ay si “piloto”.

Kabanata 25: Buhay ng Pantas
Sa araling ito makikila mo si Pilosopong Tasyo na itinituring na baliw dahil sa kanyang angking talino at paraan ng pag-iisip.

Kabanata 26: Bisperas ng Kapistahan
Masasaksihan mo ang mga paghahandang ginagawa ng mga taga-San Diego tuwing sumasapit ang araw ng pista ng kanilang bayan ang pagtatrabaho ng mga manggagawang gumagawa ng pundasyon na itatayong panulukang bato ng paaralang ipinatatayo ni Ibarra.

Kabanata 27: Kinagabihan
Lubhang marangya ang paghahanda ni Kapitan Tiago dahil sa kanyang pagnanais na mahigitan ang handa ng mayayamang pamilya sa kanilang lugar at gayundin upang mapasaya si Maria Clara at ang kanyang mamanuganging si Ibarra na laging paksa ng lahat ng usapan sa kanilang lugar.

Kabanata 28: Mga Sulat
Sa pamamagitan ng mga sulat ay inilarawan ni Jose Rizal ang mga pangyayari sa bisperas ng kapistahan ng San Diego.

Kabanata 29: Ang araw ng Pista
Sa mismong araw ng pista, umaga pa lamang ay punumpuno ng mga tao ang simbahan, si Padre Damaso ay muntik nang hindi makapagsermon dahil sa sipon at pamamaos ng boses na nagawang malunasan na matatandang babae sa kumbento.

Kabanata 30: Sa Simbahan
Sa loob ng simbahan ay nagsiksikan at nagtulakan ang mga mamamayan ng San Diego habang hinihintay ang mga sermon ng paring binayaran ng dalawang daan at limampung piso.

Kabanata 31: Ang Sermon
Lubhang tahimik sa loob ng simbahan habang nagsesermon si Padre Damaso at mapapansin ang taimtim na pakikinig ng mga tao sa kanyang sermon, tinatalakay niya ang tungkol sa kaluluwa, impiyerno, mga ayaw magkumpisal, kasamaan, at kamunduhan ng mga tao ngunit sa huli ay parang nawalan ng saysay ang kanyang sermon dahil nakatulugan at nakainipan na ito ng mga tao dahil sa haba.

Kabanata 32: Ang Panghugos
Dumating ang araw ng seremonya ng panghugos para sa paaralang nais ipatayo ni Ibarra at naging usap-usapan at pinapurihan ng mga tao ang makinang gagamitin sa panghugos dahil sa mahusay at mukhang matibay na paggawa nito ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagiba ito nang si Ibarra ay bumaba sa hukay at di sinasadyang natamaan nito at namatay ang lalaking may maputlang mukhang siyang ring gumawa ng nasabing panghugos.

Kabanata 33: Malayang Isipan
Pinuntahan ni Elias si Ibarra sa kanyang tahanan at binigyan muli ng babala ni Elias si Ibarra laban sa mga lihim nitong kaaway.

Kabanata 34: Pananghalian
Muntikan ng mapatay ni Ibarra si Padre Damaso dahil sa sinabi nito  mabuti nalang mabilis ang pagkilos ni Maria Clara at napigilan niya si Ibarra.
 Kabanata 35: Reaksiyon
Ang nasabing pangyayari ay mabilis na kumalat sa bayan at umani ng iba’t ibang reaksiyon.

Kabanata 36: Unang mga Epekto
Bunga ng pangyayaring naganap sa pagitan nina Padre Damaso at Ibarra ay unang naapektuhan ang mag-amang Kapitan Tiago at Maria Clara dahil sa ipinatawa na parusang ekskomulgado kay Ibarra ay inutusan ng mga prayle si Kapitan Tiago na putulin ang relasyon nina Maria Clara at Ibarra.

Kabanata 37: Ang Kapitan Heneral
Dumating na ang Goberbador-heneral sa bayan ng San Diego, halos lahat ng mga pinuno ng bayan at maging ng simbahan ay dumalaw sa kanyang tanggapan upang mabigay galang, samantala, si Ibarra ay sinadya niyang ipahanap upang kausapin at humanga siya sa talino at pagmamalasakit nito sa bayan kaya’t nag-alok siya ng tulong para rito.

Kabanata 38: Ang Prusisyon
Nang sumapit ang gabi ay inilabas na ang pang-apat na prusisyon at maraming kilalang tao ang nanood at nakisama rito.

 Kabanata 39: Si Donya Consolacion
Habang abala ang marami sa pakikipagsaya sa pista, si Donya Consolacion ay nakulong sa kanyang bahay, ikinahihiya kasi siya ng kanyang asawang tenyente kaya sa pag-iisa ay napagdiskitahan niya si Sisa.

Kabanata 40: Karapatan at Kapangyarihan
Huling gabi ng pista, si Don Filipo ang namahala sa pagdiriwang, hindi nagustuhan ng mga prayle ang pagdating ni Ibarra ngunit nanindigan si Don Filipo na hindi maaaring paalisin ang binate dahil sa malaking abuloy nito sa pagdiriwang at dahil na rin s autos ng Kapitan-Heneral.

Kabanata 41: Dalawang Panauhin
Nang makauwi sa bahay si Ibarra ay iniisip niya ang kaguluhang naganap, dinalaw siya ni Elias at sinabi nitong may sakit si Maria Clara at sumunod na dumalaw si Lucas na nangungulit sa kanyang tungkol sa perang makukuha ng kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

Kabanata 42: Ang mag-asawang De Espadana
Madarama mo ang lungkot ng mga tao sa bahay ni Kapitan Tiago habang hinihintay nila ang doktor na titingin kay Maria Clara, si Dr. Tiburcio at ang asawang si Donya Victorina.

Kabanata 43: Mga Balak
Si Padre Damaso ay labis na nabalisa sa pagkakasakit ni Maria Clara, naibsan panandalian ang kanyang pagkabalisa nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina si Alfonso Linares, ang inaanak ng bayaw ni Padre Damaso.

Kabanata 44: Ang Pangungumpisal
Nabinat si Maria Clara matapos mangumpisal, nag-usap-usap ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiago upang lubusang gumaling ang dalaga.

Kabanata 45: Ang mga Api
Hinanap ni Elias sa gitna ng kabundukan ang isang matandang lalaki na nagngangalang Pablo na kasalukuyang nagtatago dahil itunuturing siyang rebelled ng pamahalaang Espanyol.

Kabanata 46: Ang Sabungan
  Dito ipinakikita ang iba’t ibang uri ng tao sa sabungan, ang iba’t ibang dahilan ng kanilang pagpunta sa lugar na ito, at ang kanilang ginagawa pagkatapos ng kanilang pagkatalo.

Kabanata 47: Ang Dalawang Donya
Ang paghaharap ng dalawang donya ay bunga ng mababang tingin ni Donya Victorina kay Donya Consolacion at mataas na pagpapahalaga ng una sa kanyang sarili.

Kabanata 48: Isang Talinghaga
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang pagbabalik ni Ibarra dala ang balitang pinatawad siya ng arsobispo sa pagiging ekskomulgado, dinalaw niya si Maria Clara ngunit tila nabigla siya nang madatnan niya sa bahay ni Kapitan Tiago si Linares.

Kabanata 49: Tagapagbalita ng mga Api
Sinabi ni Elias kay Ibarra ang mga hinaing ng mga manghihimagsik at napagtanto ni Elias na magkaiba pala ang kanilang pananaw, sa huli hiniling ni Ibarra ang kuwento ng buhay ni Elias sa paniniwalang makatutulong ito upang higit niyang maunawaan ang mga hinaing na idinulog sa kanya.

Kabanata 50: Ang Kasaysayan ni Elias
Mahahabag ka sa paglalahad ni Elias ng kasaysayan ng kanyang angkan.

Kabanata 51: Ang mga Pagbabago
Naging balisa si Linares dahil sa matinding pagbabanta ni Donya Victorina, sa ganitong kalagayan pumasok sa eksena sina Padre Salvi, Kapitan Tiago, Maria Clara, at maging si Ibarra, isang pagbabago ang pagtingin kay Ibarra ang malinaw na mababakas kay Padre Salvi at nagpahayag naman ng pagnanais si Ibarra na makausap ng sarilinan si Maria Clara.

Kabanata 52: Ang Mapalad na Baraha
May mga lalaking nagtagpo sa sementeryo upang pag-usapan ang isang balak, bagama’t walang kamalay-malay si Ibarra sa balak na ito ay napipintong nadamay siya dahil sa pagsigaw ng isang hudyat na nagsasaad ng kanyang pangalan “Mabuhay si Don Crisostomo” kapag isinagawa ang balak.

Kabanata 53: Ipinakilala ng umaga ang Magandang araw
Naging usap-usapan sa bayan ang nakitang ilaw sa sementeryo nang nagdaang gabi, habang nagpapaligsahan ang mga manang sa pagbibigay ng kahulugan sa nakita at narinig o kunwari’y nakita’t narinig nila ang isang batang pastol ang nagsabing isang ilaw at dalawang lalaking nakasumbrero ng buri lamang ang nasa sementeryo kagabi bagama’t hindi siya pinakinggan ng mga tao.

Kabanata 54: Ang Sabwatan
Mapapansing kakaiba ang ikinikilos ni Padre Salvi nang araw na iyon, humangos siya patungo sa bahay ng komandante upang ibalita ang natuklasan na sabwatan, isang plano ang isasagawa upang madiin si Ibarra at natuklasan naman nito ni Elias kaya dali-dali niyang pinuntahan si Ibarra.

Kabanata 55: Ang Kapahamakang bunga ng Pagsasabwatan
Sa kabanatang ito, magaganap ang isang kapahamakang bunga ng pagsasabwatan, lulusubin ang kuwartel at ang pagbibintangan may pakana ng lahat ay si Crisostomo Ibarra, huhulihin siya ng mga guwardiya civil sa kautusan ng komandante.

Kabanata 56: Ang mga Sabi-sabi
Kinabukasan, takot ang namayani sa buong bayan dahil sa kaguluhang naganap nang nagdaang gabi, ang araw ay nagtapos sa pagtutuklas sa isang bangkay na nakabitin at inaakalang nagbigti at ang bangkay na iyon ay kay Lucas.

Kabanata 57: Silang mga Nalupig
Sa araling ito’y makikita ang labis na parusa at kalupitan sa kalalakihang nahuli lumusob sa kuwartel, pinipilit siyang magsalita at idiin si Crisostomo Ibarra bilang pasimuno ng lahat pero nanindigan siya at sinabing hindi niya kilala at hindi nakausap si Ibarra kaya namatay siya dahil sa malupit na ginawa ng mga guwardiya civil.

Kabanata 57: Siya ang dapat Sisihin
Agad kumalat sa bayan ang balitang ililipat ng kulungan ang mga bilanggo kaya’t ang mga kamag-anak ng mga bilanggo ay nagpalipat lipat sa kumbento, sa kuwartel, at sa munisipyo nang nananangis habang nagmamakaawa at umaasang mapipigilan ang paglilipat.

Kabanata 58 & 59: Pagkamakabayan at Kapakanang Pansarili
Naging malaking usap-usapan ang nangyari, labis na napulaan si Ibarra samantalang papuri naman ang natanggap ni Padre Salvi.

Kabanata 60: Ang kasal ni Maria Clara
Masayang-masaya si Kapitan Tiago sapagkat sa kabila ng naging kaugnayan niya at ng kanyang pamilya kay Ibarra ay hindi siya nadakip o naikulong di tulad ng sinapit ng iba, kinabukasan isang marangyang handaan ang naganap sa tahanan ni Kapitan Tiago at napag-usapan ang kasal ni Linares at Maria Clara.

Kabanata 61: Tugisan sa Lawa
Pagkatapos makapag-usap nina Crisostomo at Maria Clara ay nagpatuloy na sa paglalayag sina Elias at Crisostomo habang pinag-uusapan ang kanilang pananaw ukol sa at sa bayan.

Kabanata 62: Nagpaliwanag si Padre Damaso
Nalaman ni Maria Clara mula sa mga ulat sa pahayagan na nalunod daw si Ibarra dahil dito’y ninais na niyang umurong sa kasal kay Linares at humingi ng patawad si Padre Damaso sa ginawang panghihimasok sa pag-iibigan nina Maria Clara at Ibarra.

Kabanata 63: Noche Buena
Sa kabilang dako, isang pamilya sa bundok ang nakatagpo at tumulong kay Basilio pumunta agad sa bayan si Basilio at nalaman niya na nabaliw ang kanyang ina at hinanap niya ito subalit nang magkita sila hindi naman siya nakilala ng ina , tumakbo si Sisa at sinundaan ito ni Basilio subalit hindi pinagbuksan ni Sisa ang anak kaya’t napilitan itong umakyat sa bakod at tumalon sa pagkakitang duguan ang anak ay nagbalik ang katinuan ni Sisa subalit iyon na pala ang huling pag-uulayaw ng mag-ina sapagkat nang magising si Basilio ay patay na ang ina.

Kabanata 64: Ang katapusan ng Noli me Tangere
Sa pagwawakas ng nobela, ang lahat ng tauhan ay naiwang sawimpalad maliban sa Alperes na nakabalik sa Espanya at tumaas ang ranggo at kay Padre Salvi na nagkaroon ng bagong posisyon, si Padre Damaso ay natagpuang patay, si Kapitan Tiago ay nalulong sa baraha at sabong si Linares ay namatay dahil sa disenterya at ang kaawa-awang si Maria Clara ay napabalitaang patay na at iba pang masasakit na pangyayari ang naganap sa kabanatang ito.

Friday, September 28, 2018

"Kapag ika'y kasama"

Buhay kay saya
Kapag ika'y kapiling
Sawi kong puso 
Iyong napapasaya
Kapag ika'y kasama 



"Dating Pag-ibig"

Huni ng hangin 
Ibalik mo sa akin 
Dating pag-ibig





Sunday, July 1, 2018

Karahasan sa Tahanan

Karahasan sa Tahanan






Sa umpisa palang ng aming pagkakilala bilang kapitbahay, ay napagtanto ko na kakaiba ang turingan nilang mag-asawa. Sa ikalawang pagkakataon ko silang nakita ay lasing ang lalaki at nagwawala sa kanilang tahanan. Umiiyak ang babae sa takot at pagkapahiya sa aming mga kapitbahay. Naaawa ako sa kanya dahil para siyang natataranta sa takot. Kinabukasan lasing na naman ang lalaki at nagwawala na naman, pinagbabasag ang mga gamit sa kanilang tahanan. Sa takot ay lumayas ang babae bitbit ang dalawang niyang anak. Pagkaraan ng ilang araw ay sinuyo at sinundo ng lalaki ang kanyang mag-iina nangakong magbabago na siya kaya't nagsama ulit sila bilang mag-asawa. Pero, sa di kalaunan ay bumalik na naman sa paglalasing, pagwawala at pananakit ang lalaki sa kanyang asawa, kaya't sa huli ay tuluyan na ring naghiwalay ang mag-asawa dahil, sa di na kayang tiisin ang pagmamalabis nito.



Masaklap ang nagiging resulta ng pagsasama ng isang pamilyang, kung puro karahasan at pang-aabuso ang gagawin sa loob ng tahanan. Para maiwasan ang ganitong pangyayari, dapat maging matapang ang lahat ng mga kababaehan sa pagsuplong sa mga kinauukulan para matigil na ang pang-aabuso at mga karahasan. Dahil mayroon naman tayong mga ahensyang malalapitan upang ang ating mga suliranin ay malulunasan.